Pinagpalang Bayan

Pinabayaan na ng Diyos ang Pilipinas,

Hindi ako naniniwalang

May maitutulong pa ako sa ikauunlad nito,

Para sa akin,

Bilang isang Pilipino,

Hindi na ako kailanman pa magtatagumpay.

Sabihin sa lahat na

Kahangalan ang

Paglingkuran ang bayan at mga kababayan,

Mas pipiliin kong

Umasa na lang sa iba

Kaysa sa

Kumilos at magkusa,

Ang tamang gawain ay

Sisihin dapat ang gobyerno,

Mali na sabihing,

Aahon pa ang ating bansa.

Ito ang katotohanan,

Wala ng pag-asang bumangon,

Hindi ko na lilinlangin ang aking sarili na,

Magkakaroon pa ng malaking pagbabago

Kung lahat tayo ay mag-aambag sa ikabubuti nito,

Hindi man kapani-paniwala,

Wala na tayong magagawa,

Hangal lang ang magsasabing,

Tayo ay isang pinagpalang bansa.

Ipahayag at basahin ng pabaliktad kung ikaw ay naniniwala na ang Pilipinas ay isang pinagpalang bayan.

(Read it backwards)

Let’s continue praying for our nation.

“Pinagpala ang bayan na ang Diyos ay ang Panginoon.” -Psalm 33:12a

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s